Saturday, August 25, 2012

Tinimbang ka ngunit... sobra ng 0.2


Makalipas ang ilang linggo ng "Summer Diet Promise" namin, sa wakas, 0.2 lbs away na lang ako sa aking first target weight. 125lbs, marireach din kita. Wooohooooo!!!!!

Sa loob yata ng 3 -4 weeks, Eto pa lang ang nagamit ko sa aking "promise" 1 beses lang akong nagrice, naka 1 medium na DQ at 1 small na DQ, 4 na xiaolong (ang uber fatty at uber sarap na dumpling), 1 happy lemon milk tea, 1/2 cup ng fruit salad, 6kfc chicken wings at 1 brownies. Di pa ako nagcocoke, pasta, or pizza! Woohoo!!! Most of the time, isda, gulay, prutas, skimmed milk, soymilk, oatmeal, wheat bread (with skippy choco stripes or cottage cheese. huhu) at chicken ang kinakain ko. Haha. Oh yeah!!! Pilipinas, game ka na ba? Hahaha. Pinaghahandaan ko ang aking return of the comeback na bakasyon! More room for food. lol.



Peoples Choice Ideal Weight: 123lbs
Medical Recommendation:118-155lbs


Results:
According to your height of 5' 6" your ideal healthy weight is 139 pounds. Your recommended weight range is between 123 and 154 pounds

Friday, August 24, 2012

Another Shanghai Anecdote

Dahil sa 11th floor ako nakatira, syempre, mag-eelevator ako. As usual, pagpasok ng elevator, press 1. After a while, napansin ko na andun pa rin sa eleven ung number. Gumagalaw lang eh yung arrow. Bumilis ang tibok ng puso ko. Panic attack is that you? Pinindot ko ang emergency button. "San shi qi hao! Kaimen!" Sabi ng kuya sa emergeny, "**!*!%#@(" (Di ko maintindihan eh. haha.) At sinabi nya na lang na ting bu dong. 6 na beses ko yatang inulit ito. Initry kong buksan ang pinto ng elevator by force pero mahigpit sya. Tumawag ulit ako. Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko. Umupo ako. Naiiyak na. Tumawag ulit ako, ngunit wala pa rin. Pinilit ko ulit buksan ang pinto, at voila! Nabuksan ko sya. Salamat sa adrenaline rush ko. Hahaha. Pero come to think of it, mali yun. Paano kung biglang bumagsak yun eh nasa 11th floor pa naman ako. Pagkabukas ko, tumakbo ako pababa. Lesson learned, alamin ang phrase na "The elevetor won't go down." o kaya "The elevator is broken."

"Dian ti, huai le." -> Elevator is broken.
"Dian ti, bu yao xia." -> Elevetor won't go down.

Sunday, August 19, 2012

Dahil nagbreak si master sa promise nya, libre nya kami sa Element Fresh! At dahil wala na rin naman kaming mapanood na movie sa bahay, naggala muna kami. Ang ending, napagastos. Haha. Syempre may kambal shorts at pants kami ni Mela. lol.




Friday, July 13, 2012

Updates. Updates. Updates.

Medyo matagal na pala simula ng huli akong magpost dito. So far, eto ang mga nangyari sa akin:

1. Nagresign na ako sa bangkong hindi natutulog.

2. Nakakuha ako ng bagong trabaho sa isang kumpanyang Aleman. Eto naman ang advantages at disadvantages ng bago kong work.
  • Advantages
    • Less stress! Why?
      • Work from home ako ng Monday
      • 8:30-5:00pm lang ang work from M-Th. As in 4:55, pack up ka na kahit may kelangan ka pang gawin. haha. Kasi di naman sila masyadong strict sa deadline.
      •  8:30-4:00pm lang kapag Friday(or kapag may trafffic advisory). (Kasi daw matraffic. lol)
    • Big paychek! (Woohoo!!!!!!)
    • Longer holidays
    • Free lunch! (Dahil nga malayo sya, walang masyadong resto. So tipid for me!)
    • Free coffee and tea
  • Disadvantages
    • Medyo different yung ginagawa nila sa experience ko (more on web dev kasi ako, pero more on RCP sila, pero Java pa rin naman). At least, latest Java ang gamit nila at looking on the brighter side, may bago akong matutunan. :). 
    • Malayo ang bago kong office. @.@ Define malayo! hahaha! As in 25 minutes na subway. Hahaha. Tapos magshashuttle service pa ko ng 1 hour!( Mas pinili ko kasing magstay sa Pudong kasama ang mga Pinoy friends ko kesa lumipat sa malapit sa may office na 45minutes lang na shuttle bus ang byahe. Hehe. Di ko rin naman kasi alam ang gagawin sa extra time ko. Lol. )
    • Kelangan kong gumising at matulog ng maaga. (Dapat ba sa disadvantages to? haha)

3.  Umuwi ako ng Pilipinas from May 9-26 para mag ayos ng papers kasi pauso ung dati kong vendor(masyado akong mahal. haha. Hindi ako basta na lang i-let go at hayaang mag move on.) at syempre para imeet na rin ang aking mga friends(college, work at high school. Sulit talaga.) at makasama ang pamilya. Sinulit ko na rin at nagbakasyon na rin. Nagcelebrate ako ng birthday up North! Haha. Total shutdown. Walang internet kaya delayed ang thank you sa facebook. =)) 

4. Nagpapanggap ako na healthy ng weekdays. Hahaha. Nagdadiet at exercise ako(dahil nga ang dami ko ng free time) pero hindi naman ako pumapayat kasi lumalamon kami ng weekend. At least di rin ako tumataba. Hahaha.

5. Lumipat ako sa apartment na mas malapit sa mga friends ko. Haha. Magkatabi kaming building so every weekend nakatambay kami kay Master Gregi. Halos doble sa rent ko dati pero malapit sya sa subway at medyo sosyal talaga yung lugar. =)) At saka mas malaki naman sya. Hihi.

6. Medyo nagseseryoso ako sa pag-aaral ng Mandarin kasi mukhang magtatagal ako dito at wala akong magawa habang nasa subway ako. Kelangan mag-ipon!

Pictures ng bagong apartment! :) Medyo makalat pa yan. Haha. Kakalipat ko lang nyan.