Medyo matagal na pala simula ng huli akong magpost dito. So far, eto ang mga nangyari sa akin:
1. Nagresign na ako sa bangkong hindi natutulog.
2. Nakakuha ako ng bagong trabaho sa isang kumpanyang Aleman. Eto naman ang advantages at disadvantages ng bago kong work.
- Advantages
- Less stress! Why?
- Work from home ako ng Monday
- 8:30-5:00pm lang ang work from M-Th. As in 4:55, pack up ka na kahit may kelangan ka pang gawin. haha. Kasi di naman sila masyadong strict sa deadline.
- 8:30-4:00pm lang kapag Friday(or kapag may trafffic advisory). (Kasi daw matraffic. lol)
- Big paychek! (Woohoo!!!!!!)
- Longer holidays
- Free lunch! (Dahil nga malayo sya, walang masyadong resto. So tipid for me!)
- Free coffee and tea
- Disadvantages
- Medyo different yung ginagawa nila sa experience ko (more on web dev kasi ako, pero more on RCP sila, pero Java pa rin naman). At least, latest Java ang gamit nila at looking on the brighter side, may bago akong matutunan. :).
- Malayo ang bago kong office. @.@ Define malayo! hahaha! As in 25 minutes na subway. Hahaha. Tapos magshashuttle service pa ko ng 1 hour!( Mas pinili ko kasing magstay sa Pudong kasama ang mga Pinoy friends ko kesa lumipat sa malapit sa may office na 45minutes lang na shuttle bus ang byahe. Hehe. Di ko rin naman kasi alam ang gagawin sa extra time ko. Lol. )
- Kelangan kong gumising at matulog ng maaga. (Dapat ba sa disadvantages to? haha)
3. Umuwi ako ng Pilipinas from May 9-26 para mag ayos ng papers kasi pauso ung dati kong vendor(masyado akong mahal. haha. Hindi ako basta na lang i-let go at hayaang mag move on.) at syempre para imeet na rin ang aking mga friends(college, work at high school. Sulit talaga.) at makasama ang pamilya. Sinulit ko na rin at nagbakasyon na rin. Nagcelebrate ako ng birthday up North! Haha. Total shutdown. Walang internet kaya delayed ang thank you sa facebook. =))
5. Lumipat ako sa apartment na mas malapit sa mga friends ko. Haha. Magkatabi kaming building so every weekend nakatambay kami kay Master Gregi. Halos doble sa rent ko dati pero malapit sya sa subway at medyo sosyal talaga yung lugar. =)) At saka mas malaki naman sya. Hihi.
6. Medyo nagseseryoso ako sa pag-aaral ng Mandarin kasi mukhang magtatagal ako dito at wala akong magawa habang nasa subway ako. Kelangan mag-ipon!
Pictures ng bagong apartment! :) Medyo makalat pa yan. Haha. Kakalipat ko lang nyan.
Ang sarap ng schedule :D Makahanap nga din ng Aleman dito!
ReplyDeleteAkala ko ung Aleman ang masarap. lol
Delete