Dahil masakit ang MGA ngipin ko, nagpunta na ako ng dentist. Wow lang sa mahal. :( Dahil may waiting period ang aking insurance, sinabi ko na lang na ipapagawa ko ung problem tooth ko na possibleng iroot canal sa March. Hahaha. Hindi ko kayang maglabas ng 4500RMB(Approximately 29000 pesos! Ano to, brace?!?!?) para sa root canal. Wala pang crown yun ha! So bumalik daw ako the following Saturday, pagbalik ko, ibang dentist ang tumingin sa kin at sa records ko. T_T Sa kasamaang palad, yung nasa may upper molar ko na may onlay ang ginalaw today. At boom!!! Nachorba ang root. Huhu. Gagawan na lang daw ng paraan ni te na Pinay yung sa insurance ko. Actually slight lang 'tong sumasakit, yung molar sa baba na root canal ang peg ang mas masakit pero pinadelay ko kasi nga di pa covered. Parang hindi ko na maramdaman pa na masakit tong lower molar ko kasi ang mahal ng mga dental procedures.. Pesteng mga ngipin to, lahat na lang kelangan iroot canal. Pakibunot na lang please!. T_T)
Ang fapiao ng aking unang visit sa dentist...
Para sa check up, consulation, xray at scaling, tumataginting na 1300RMB (8500 pesos.) Thank you talaga kay insurance.
Ang fapiao ng aking unang visit sa dentist...
Para sa check up, consulation, xray at scaling, tumataginting na 1300RMB (8500 pesos.) Thank you talaga kay insurance.
No comments:
Post a Comment