Saturday, August 25, 2012

Tinimbang ka ngunit... sobra ng 0.2


Makalipas ang ilang linggo ng "Summer Diet Promise" namin, sa wakas, 0.2 lbs away na lang ako sa aking first target weight. 125lbs, marireach din kita. Wooohooooo!!!!!

Sa loob yata ng 3 -4 weeks, Eto pa lang ang nagamit ko sa aking "promise" 1 beses lang akong nagrice, naka 1 medium na DQ at 1 small na DQ, 4 na xiaolong (ang uber fatty at uber sarap na dumpling), 1 happy lemon milk tea, 1/2 cup ng fruit salad, 6kfc chicken wings at 1 brownies. Di pa ako nagcocoke, pasta, or pizza! Woohoo!!! Most of the time, isda, gulay, prutas, skimmed milk, soymilk, oatmeal, wheat bread (with skippy choco stripes or cottage cheese. huhu) at chicken ang kinakain ko. Haha. Oh yeah!!! Pilipinas, game ka na ba? Hahaha. Pinaghahandaan ko ang aking return of the comeback na bakasyon! More room for food. lol.



Peoples Choice Ideal Weight: 123lbs
Medical Recommendation:118-155lbs


Results:
According to your height of 5' 6" your ideal healthy weight is 139 pounds. Your recommended weight range is between 123 and 154 pounds

Friday, August 24, 2012

Another Shanghai Anecdote

Dahil sa 11th floor ako nakatira, syempre, mag-eelevator ako. As usual, pagpasok ng elevator, press 1. After a while, napansin ko na andun pa rin sa eleven ung number. Gumagalaw lang eh yung arrow. Bumilis ang tibok ng puso ko. Panic attack is that you? Pinindot ko ang emergency button. "San shi qi hao! Kaimen!" Sabi ng kuya sa emergeny, "**!*!%#@(" (Di ko maintindihan eh. haha.) At sinabi nya na lang na ting bu dong. 6 na beses ko yatang inulit ito. Initry kong buksan ang pinto ng elevator by force pero mahigpit sya. Tumawag ulit ako. Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko. Umupo ako. Naiiyak na. Tumawag ulit ako, ngunit wala pa rin. Pinilit ko ulit buksan ang pinto, at voila! Nabuksan ko sya. Salamat sa adrenaline rush ko. Hahaha. Pero come to think of it, mali yun. Paano kung biglang bumagsak yun eh nasa 11th floor pa naman ako. Pagkabukas ko, tumakbo ako pababa. Lesson learned, alamin ang phrase na "The elevetor won't go down." o kaya "The elevator is broken."

"Dian ti, huai le." -> Elevator is broken.
"Dian ti, bu yao xia." -> Elevetor won't go down.

Sunday, August 19, 2012

Dahil nagbreak si master sa promise nya, libre nya kami sa Element Fresh! At dahil wala na rin naman kaming mapanood na movie sa bahay, naggala muna kami. Ang ending, napagastos. Haha. Syempre may kambal shorts at pants kami ni Mela. lol.