Sunday, October 16, 2011

Approximately Php 350.00

Nag-adik na naman ako sa mga documentaries kanina. Kung anu-ano ang aking napanood. Kasaysayan. Kahirapan. Lipunan. Ayon sa NSCB, "A Filipino family of five in Metro Manila needed Php 8,251 to stay out of poverty. (Php 7,017 nationwide.)" Iniisip ko kung kasya ba yun. Parang hindi naman. Depende rin nga sa nagbabudget. Pero siguro, given yun na hindi nangungupahan yung pamilya dahil kung nangungupahan yan, ung 8251 pesos eh talagang hindi sasapat. Naisip ko na talagang mapalad ako. Kahit tagtipid ako ngayon dahil sa pinapagawang bahay, di pa naman ako nagugutom at nabibili ko pa rin naman kahit papano ung mga gusto ko. :p Hahaha. Naggrocery ako kanina, at sa halagang 50++RMB or approximately 350 pesos, eto ung mga nabili ko.

1 bottle ng dishwashing liquid.
1 loaf of bread
10 pcs eggs
1 bottle of nescafe smooth latte (sosyal ako eh)
60 pcs ng paper cups (wahaha! kasi ayokong hugasan sa office ung cup, maselan ako eh. :p)
3 pcs ng apple
3 pcs ng pear
3 pcs ng lemon.

3 comments:

  1. Hehe. Nilalagay ko sa tubig. Para lemon water. Nauumay kasi ako kapag tubig lang. :p eh goal kong maka 2 liters a day.

    ReplyDelete
  2. Two liters a day? Ikaw na ang sulit na sulit ang pantog. :))

    ReplyDelete