Saturday, October 22, 2011

National Day

Oct 1-5, holiday sa China, para di naman ako limang araw na magmukmok, sumama ako kay Mela at Riza na gumala sa Huangshan at sa Nanjing. :) Isang pamatay na experience ang gala na 'to dahil lahat kami walang idea kung saan yung pupuntahan namin at kung paano kami makakarating. Salamat na lang sa tulong ng teknolohiya at ni google. haha. Kung anu-anong adventure ang pinaggagawa namin. Bawat araw may bloopers. May bagong experience. Umakyat ng napakaganda at napakalamig na bundok (madaya pala kami, nagcable car). Magpainterview sa reporter para sa tourism ng lugar nila. haha. Magstay sa loft sa hotel. Sumakay ng hard sleeper na train na parang may pinatay na dun. :p Sumakay sa first class seat ng high speed train. Kumain sa tabi tabi ng kung anu-ano. Sumakay sa isang bus na di alam kung saan ba pupunta ung bus na un. Sabi nga ni mastercard, experience, priceless. For everything else, there's mastercard. :p May isa pala akong pangarap na natupad. Makakita ng buhay at gumagalaw na PANDA!!!! WOoohoooo!!!!





Sunday, October 16, 2011

Approximately Php 350.00

Nag-adik na naman ako sa mga documentaries kanina. Kung anu-ano ang aking napanood. Kasaysayan. Kahirapan. Lipunan. Ayon sa NSCB, "A Filipino family of five in Metro Manila needed Php 8,251 to stay out of poverty. (Php 7,017 nationwide.)" Iniisip ko kung kasya ba yun. Parang hindi naman. Depende rin nga sa nagbabudget. Pero siguro, given yun na hindi nangungupahan yung pamilya dahil kung nangungupahan yan, ung 8251 pesos eh talagang hindi sasapat. Naisip ko na talagang mapalad ako. Kahit tagtipid ako ngayon dahil sa pinapagawang bahay, di pa naman ako nagugutom at nabibili ko pa rin naman kahit papano ung mga gusto ko. :p Hahaha. Naggrocery ako kanina, at sa halagang 50++RMB or approximately 350 pesos, eto ung mga nabili ko.

1 bottle ng dishwashing liquid.
1 loaf of bread
10 pcs eggs
1 bottle of nescafe smooth latte (sosyal ako eh)
60 pcs ng paper cups (wahaha! kasi ayokong hugasan sa office ung cup, maselan ako eh. :p)
3 pcs ng apple
3 pcs ng pear
3 pcs ng lemon.