Tuesday, June 21, 2011

Bus 977

Isang Martes ng hapon, tinatamad pa akong umuwi kaya sumama ako kina Renee at Onnie na magpunta ng Dongshang para bumili ng external hard drive. In fairness, maganda sa lugar na yun. At syempre, nung uwian na, pahirapan na naman ng sasakyan. At dito nagsimula ang aking adventure! haha.

1st plan: Sumabay kay Onnie at Renee, bababa ng Guanglan at magbabus ulit. Ang problema? Malamang wala ng bus990 sa Guanglan.

Habang naglalakad kami, dumaan ang bus 977.
M@ylett3: Ui! Feeling ko dumadaan yan sa amin. Di ko sure kung yan ba o 997.
Onnie: 997 yata.
M@ylett3: hindi! Feeling ko talaga dumadaan yan.
Onnie: Check mo. ALam mo naman ung characters ng road nyo di ba?
Nagpunta naman ako dun sa chart at incheck! Ching! Ching! Alam ko ang Huaxia Lu na yan! Sure ako! hahaha. At syempre inicheck ko ung Sun Huan Lu. Pero basta dumadaan sa Huaxia at Zhang Jiang pwede na ko.

Dahil kakalagpas pa lang ng 977, naunang sumakay sina Renee.
Renee: Ui, Goodluck sa adventure.
M@ylette: Woohoo! (kinakabahan)
Makalipas ang ilang minuto, ayan na ang bus! woohoo! Sumakay na nga ako. hahaha.
Syempre kabado na baka hindi yun papunta sa amin. After 20 mins, may familiar road na. Yehey! At makalipas ang 43 minutes(walang trapik to ha!), at 4rmb halaga ng pamasahe, nasa bahay na ko! Yehey!!!!!

1 comment:

  1. parang Japan lang e no, mahirap magkamali ng sakay dahil hahanapin mo rin yung bus pabalik, huhu.

    ReplyDelete