Noon ko pa gustong matutong lumangoy ngunit sa kasamaang palad, walang libreng "swimming lesson" si Mayor nung bata pa ako. Hindi rin naman madalas lumabas ang aming pamilya dahil gastos lang yun. Hahaha. Hanggang sa nakuntento na ako sa alam ko. Marunong naman akong magfloating dahil tinuruan ako ni Jean, yung ka-batch ko sa college noong 18th Birthday ni Guian. Pwede na yun. At least kahit kaunti marunong ako. Lumipas ang panahon, nawili akong sumama sa mga out of town, naiinggit ako sa mga kaibigan kong kayang maglangoy. Minsan ay binalak ko na ring magswimming lesson pero bukod sa namamahalan ako sa tuition fee, ayokong magswimwear. Bwahahaha! Matapos ang 27 taon, akala ko wala ng pag-asa, pero sabi nga, habang may buhay may pag-asa! Nagsimula akong mag-aral maglangoy last month. Tuwing Sabado ay nagpupunta kami sa sports center malapit sa amin. Sa halagang 25Rmb, maaari kaming gumamit ng pool ng hanggang isa't kalahating oras. Medyo nakakaculture shock sa locker room. Hindi kasi ako sanay na may mga babaeng naglalakad ng hubo't hubad sa aking harapan. Nakikita ko ang kanilang mga kagubatan. >.< Sinunod ko ang payo ni Ate Renee na manood ako sa youtube kung paano maglangoy. Sa aking unang pagpunta, hiyang hiya ako. Hindi kasi ako marunong. Pero tinuruan ako ng aking mga kasama. Tinuruan ako ni Ate Renee ng frog kick. Tuloy lang din ang aking panonood ng youtube! Sa aking pang-apat na Sabado, sakto rin sa aking kaarawan, nakayanan ko na ang lumangoy! Weee!!!! Para sa kin, isa yung napakagandang birthday gift. Thank you po Lord. :) Sa aking pang-anim na visit, nakayanan ko naman ang magpunta hanggang 6 feet. Pahinto hinto nga lang ako. Kinakabahan kasi ako. Kahapon, sa aking pang pitong session, kaya ko na ang tuloy tuloy na langoy sa magkabilang dulo ng pool. Woohoooo! Kahit pakiramdam ko ngayon eh bugbog ang katawan ko dahil sa 8.5 laps kong nilangoy, masayang masaya pa rin ako. (At oo, intensyonal ang pagsulat nito in elementary student format dahil feeling ko elementary ako na natutong maglangoy. :P)
Update sa aking checklist:
Update sa aking checklist:
- Learn how to play the guitar: CHECK!
- Learn how to swim: CHECK!
- Learn how to drive: Not yet started. (kelangan kong umuwi ng Pilipinas para dito)