Friday, July 29, 2011

Diet vs Ice Cream


Dahil bongga na ang itinaba ko sa loob ng kulang-kulang na tatlong buwan, nagdesisyon na kong magdiet simula nung Monday. hahaha. Kasi naman, kung kumain ako, sobrang dami. Boo!!!! Di na ako nagdidinner ng kanin sa gabi. Banana at pear/apple na lang. Medyo may result naman sya. Nabawasan na ng ilang lbs ang timbang ko. Pero dahil sobrang init ngayon, napabili na naman ako ng magnum(parang nung wednesday lang). huhu. Ang aking paboritong ice cream (aside sa baskins na may kamahalan). Hello sugar!!!

Wednesday, July 27, 2011

First Time sa Ikea

At last! Nakapunta na rin ako sa Ikea. haha.
Ang heaven ng mga gamit na pambahay. :) At tahanan ng masarap na meatballs!


Naisip ko bagay ang mga lamp na to sa room ng pamangkin ko na si Mikha.

Madame Tussauds


Salamat kay JM para sa aming mga discounted na ticket sa Madame Tussauds. Ang tangkad ni Yao Ming! Haha. Walang masyadong pics kasi na kay Neng ang mga pics. haha.

ako at si Madame Tussauds. Hehe.


Bago lumabas nakita ko ang binebenta nilang maraming Panda. At yun na, napabili ako. Haha. Ang aking tagapagligtas na malaking panda stuffed toy. hihi.


CSTS Family Day


Nagpakasunog kami sa Family Day! hahaha. Good luck sa init ng araw. Pero fun na rin kasi may mga fun activities naman. :)

Bailian Outlet Store

Nagpunta kami ng pagkalayu-layong Outlet Store sa Sheshan nung 2nd Saturday ng July. Haha. 1st weekend kasi after ng sahod. Sulit naman dahil nakabili ako ng murang winter jacket sa Esprit. Hihi. At ng kung anu-ano pa. :)
At eto naman ang ilan sa mga binili ko. Hihi.
Caps! (ewan ko kung bakit ko to binili. haha)


Pink winter jacket from Esprit. :)

dress from Vans
Skirt na Jumper para kay Mikha (pero parang napalaki yata.) haha.

May iba pa kong binili kaya lang tinamad na ko magpicture. haha.

Monday, July 4, 2011

/wrist

Emo. Sobrang emo ako ngayong araw na 'to. Hormones kaya? Stressed sa trabaho? O dahil not feeling well lang ako? Literal na umiyak ako sa sobrang frustration sa work at sa sama ng pakiramdam. Sa totoo lang masakit ang ulo ko. Pero ayokong magleave. Sayang kasi. Ipagbabakasyon ko na lang sa Pinas. Kagaya ng inaasahan ko, hindi na naman ako nakauwi ng maaga. Medyo hobby kasi ng boss ko ang magbigay ng task kapag 6 na. :'( Buti na lang medyo nakisama ang panahon. Hindi na masyadong mainit. Kung hindi lang medyo masama pa ang pakiramdam ko, iinom ako dito sa bahay. Pero hindi pwede eh. Baka lumala pa. Kelangan alagaan ang sarili. Kaya eto, umiinom na lang ng lemon water at kumakain ng mansanas. Rants. Rants. Rants. Lord, sana po magamay ko na ang pasikot-sikot ng napakagulong system ng C*t*. @_@ At sana mawala na tong hassle kong ubo. Amen.

Sunday, July 3, 2011

Terrible Cough

Pagkalipas ng 2 buwan, nagkaroon ako ng matinding ubo. As in super ubo ako ng ubo. Naubos ko na ang aking solmux. Yung huling solmux pa na ininom ko, nasama sa aking suka. :'( Bad trip. 1 itlog lang kinain ko ngayong gabi, nasuka pa ko. First time kong maramdaman yung kung gaano kadali ang nasa sariling bayan. Siguro kung nasa amin ako, magpapatingin na ko sa doctor. OA noh, kasi ubo lang naman. Pero hassle na ubo kasi. As in yung masakit ang pag-ubo. I officially miss home. T_T